Lunes, Oktubre 12, 2015

USB

USB



Ako'y nagpaalam na sa aking mga kaibigan
Na nagpatanggal sandali ng aking kalungkutan
Naglakad ako palayo mula sa kanila at muli silang sinilayan
Ngumiti at patuloy na naglakad at hindi alam kung saan ang patutunguhan

Hindi ko alam kung tama ba o mali ang tinatahak kong daan
Ang alam ko lang ay gusto kong lumayo sa kabihasnan
Habang naglalakad ako kasalungat ko ang direksyon ng hangin
Papunta sa akin ang mga dahon na nagsisiliparan na patungo sa bangin

Sa bawat dahon na dumadaan sa akin
Naiisip ko ang mga malulungkot at masasayang pagsasama natin
Ikaw ay laging nandiyan sa tuwing ako ay nasa kagipitan
Nariyan ka rin sa tuwing gusto ko ng libangan

Salamat kaibigan sa mga tulong na binigay mo sa akin
Salamat dahil ikaw ay nagbigay ng saglit na kasiyahan sa akin
Kahit walang akong maibigay sa iyo na kapalit
Andyan ka pa rin kahit binibigyan na kita ng sakit

Paalam na kaibigan salamat sa pagtago ng aking mga sikreto
Salamat sa pag-aruga sa aking mga dokumento
Maraming salamat ng hindi mo iniwaan noon, sana'y makita muli kita
Patawad dahil hindi kita naalagaan,sobrang namimiss na kita.

Linggo, Oktubre 11, 2015

Asignaturang sinilangan ko

Filipino.
            Isa itong asignaturang  tumatalakay sa pag-gamit ng wikang Pilipino sa tamang paraan. Ang  kahalagahan ng asignaturang Filipino  ay makakatulong upang mas maging malawak ang ating kaalaman sa pagsusulat at pagbabasa. Ang wika ang sumasalamin ng kaluluwa ng bansa kaya pinag-aaralan ito sa elematarya,sekondarya at tersiyarya. Pinag-aaralan ang Filipino Dahil sa nag-iiba-iba ang salitang katutubo ng mga Pilipino, mahalagang pag-aralan ang wikang pambansa, ang Pilipino o Filipino.
            Ngunit nag-isyu ang CHED ng Memorandum Order 20 noong nakaraang taon para alisin ang asignaturang Filipino na pinag-aaralan  mula Batanes hanggang Jolo . Sa kadahilanang isinusulong na programa ng K-12 nabago ang sitema at curriculum sa halos lahat ng paaralan sa bansa. Pinapatanggal nila ito dahil ililipat sa Grade 11 at 12 ang asignatura na orihinal na tinuturo sa kolehiyo. Ayon sa kanila ang pag-aaral ng Filipino ng labing dalawang taon sa elementarya at sekondarya ay sapat na kaya hindi na dapat itong pag-aralan sa unang dalawang taon sa kolehiyo lalo na sa mga kursong hindi naman kaugnay dito.
            Hindi problema ang pag-aaral ng banyagang wika  gaya ng Mandarin, French, Japanese atbp Ngunit bago mahumaling sa ibang wika bakit hindi muna ayusin ang baluktot mong pagsasalita ng iyong sariling wika.. Tayo ay pinanganak sa Pilipinas ngunit hindi yun sapat na rason upang  sabihin magaling na tayo sa pagsasalita ng Filipino dahil marami tayong kakaining bigas para masabihang magaling. Bakit hindi pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng edukasyon at hindi ang pag-aalis ng asignaturang Filipino para tayo ay hindi magkumpisal kay G

Tuloy pa rin ang laban

Inis na inis ako sa tatay ko noong bata ako sa tuwing nanonood siya ng basketball at napipilitan kaming manood dahil ayaw niyang ilipat ang channel. Imbis na ako ay nanonood ng labanan ni Mojojo at ng power puff girls napipilitan akong manood ng basketball. Marahil masyado pa akong bata nung panahon na yun pero ngayon alam ko na kung bakit  ganun kaimportante ang panonood ng basketball sa ating  bayan.
            Halos isang linggo na rin ang nakalilipas nang natapos ang laban ng SMART Gilas sa FIBA World Cup 2014. Nagsimula ito noong Agosto 30. Nang dahil sa sunud-sunod na pagkatalo ng Gilas laban sa Croatia, Argentina, Greece at Puerto Rico, sila na nga ay nalaglag sa pagkakapasok sana sa semis. Kaya nanghinayang ang mga Pinoy dahil 36 taon na ang lumipas nang huling nakapasok ang koponan ng Pilipinas sa Basketball World Championships at 40 na taon naman na rin ang nagdaan nang nanalo ang ‘Pinas sa championship level.  
            Lungkot at inis, ito ang iba pang naging reaksyon ng mga  Pilipino sa pagkatalo ng Gilas nagging trending topic pa nga ang #GilasPilipinas sa twitter na naglalaman ng iba’t ibang reaksyon at opinion. May nagsasabing  mali ang kanilang nagging depensa ,mali ang kanilang diskarte at kung anu-ano pang pamumuna sa tropa ni Coach Chot Reyes. Binash naman ng iba si Coach Reyes na inako ang kasalanan sa pagkatalo ng koponan. 
            Pero sa kabilang banda umani naman sila ng samu’tsaring papuri ang kanilang natamo dahil sa hindi naman basta-basta ang larong ibinigay ng Gilas dahil pinadaan nila ang mga kalaban sa butas ng karayom bago sila manalo. Ganoon kaganda ang kanilang laro na hinangaan ng mga banyaga. Kaya ang mga Pilipino ay ipinagmalaki ang mga kababayan. Sa katunayan pa nga, may mga Argentinian fans sila na humingi pa ng jersey ng kanilang iniidolo na Gilas players .Puring-puri naman ang Gilas ng mga batikang sports analysts sa buong mundo. 
            Ayon sa pag-aaral na isinagawa kamakailan lang, naging trending ang Gilas sa mga bansa gaya ng U.S.A. kung saan umani ng 173,467 mentions ang Gilas. Mas mataas pa kaysa sa sarili nating bansa na may 150,286 mentions. Sinundan naman ito ng mga bansang China, Singapore, Malaysia at United Arab Emirates.
I failed to give our country a win.
         Ito ang sinabi ni Coach Reyes na humihingi ng tawad dahil sa kanilang pagkatalo. Ngunit nagkakamali siya dahil hindi niya tayo binigo. Natalo nga  sila pero panalo pa rin sila sa karanasan dahil mabuti ng maranasan nating matalo kaysa lahat ng ating napagdaanan ay puro pag ka-panalo dahil wala tayong matututunan dito  
            Ngayong palapit na ang FIBA Asian Games isa sa pinakamatunog  at pinakaaabangan ang Gilas Pilipinas. Talaga nga naman ang Pilipinas na ang “ The Next Big Thing” Patunay lang ito na sa Gilas tuloy pa rin ang laban.

WANWAN'S HATEST DAY

BIYERNES.
Ito ang pinakamasayang araw. Dahil huling araw ito ng isang linggong pasok sa eskwela. Laging masaya tuwing biyernes maraming nangyayari,maraming pinapasa na mga takdang-aralin at mga proyekto na ilang araw na pinagpuyatan. Pero nagbago ang lahat nung tumungtong na kami sa kolehiyo.

Ibang-iba ang aura ng biyernes sa amin simula pa lang ng umaga ipinapagawa na kami ng kung ano-ano na wala namang kinalaman sa aming asignatura. Naloloka kaming lahat dahil lagi siyang nagpapagawa ng mga bagay na nangangailangan ng napakalaking halaga ng pera at oras. Sobrang dami niya kung magpagawa hindi niya iniisip na marami rin kaming inaasikaso.

Sa pangalawang klase ito ang pinakamadaling asignatura tuwing biyernes. Walang sakit sa ulo at walang mura na maririnig mula sa bibig ng mga kablockmates ko. Sana siya na nga lang prof namin buong biyernes. Napakabait niya sobra sa araw na ito siya ang nagiging pahinga namin sa isang napakalungkot na araw.

Ang huli naming klase ang pinakamatagal,mainit,nakakainis at nakakagalit. Dahil wala kaming ginawa sa klase na ito kundi ang magpaypay,matulog, at mainis. Madalas kaming sabihang bobo,unggoy at mga walang kwenta. Kadalasan nagdadasal kami na sana ay hindi siya pumasok o di kaya'y makansela ang klase. Napakataas rin kanyang mga ekspektasyon kaya nahihirapan kami magbigay ng mga proyekto at maglahad ng ulat.

Ngayong patapos na ang sem masaya kami na malungkot. Masaya dahil wala na ang pangtatlong prof namin na nagpahirap sa amin ng sobra. Malungkot dahil magkikita pa rin kami ng aming unang prof sa araw ng biyernes ng tatlong sem.

Sabado, Setyembre 19, 2015

Fix me I'm broken.

Sobrang sakit.
Ito ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko maayos na ang lahat ngayon ngunit hindi mas lalo lang bumibigat ang kalooban ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sobrang sakit na ng nararamdaman ko unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.Kahit ang tiwala ko sa Diyos ay nasusubukan na rin. Bakit ko ba ito nararamdaman? Bakit niya ba ako sinasaktan? Ginawa ko naman ang lahat pero bakit ganun?


Martes ng umaga okay pa ang lahat. Naglalambingan pa kami nagsasabihan ng I love you. Pero pagsapit ng hapon nag-iba na lang ang pakikitungo niya sa akin. Nakakaiinis na nakakabaliw dahil hindi ko alam kung ano bang ginawa kong mali at nagkakaganun siya.

Maghapon akong umiiyak iniisip kung saan nga ba ako nagkamali? Sino ba sa amin ang may problema sa relasyon namin. Habang ako ay nagiisip napagtanto ko na mabuti nang maghiwalay kami dahil ayoko nang umiyak ng umiyak paulit-ulit na lang ang dahilan. Mas mabuting iwanan na lang ang nabasag na bagay at baka'y masugatan ka sa pag-aayos nito.

'Pag gising sa umaga ikaw agad ang hinahanap. Bigla kong tinignan ang aking cellphone wala nang mensahe o mga missed calls na  ginagawa mo  para lang magising ako. Pero naalala ko wala na pala tayo at maaring wala ng palitan ng mensaheng magaganap

Martes, Agosto 25, 2015

Liham para sa aking mga magulang.

Mahal kong mga magulang,
Bata pa lang ako sinusunod ko na po kayo. Ginagawa ko ang lahat upang maabot ang mga inaasahan niyong maging ako. Kahit nahihirapan na ako pinagpapatuloy ko pa rin ito dahil akala ko ay pupurihin niyo rin ako gaya ng pagpuri niyo sa aking mga nakakabatang kapatid. Patawad po sa mga kasalanan na aking nagawa pero nagawa ko lamang po yun dahil sa galit sa puso ko na matagal ko nang kinikimkim. Ma, pa napapagod rin po ako dahil tao rin ako. Hindi ko naman sinusumbat na kapag galing ako sa paaralan ko na napakalayo ay agad-agad niyo akong inuutusan.Minsan nga po'y naapektuhan ang aking pag-aaral dahil sa utos niyo.Pero okay lang sa inyo dahil iba naman ang mas pinapahalagahan niyo. Minsan hindi ko na nagagawa ang mga bagay na nagpapasaya dahil sa mga pinapagawa niyo.Hindi niyo po alam kung gaano kahalaga sa akin yun dahil yun na lang ang pinagkukunan ko ng lakas upang manatili pa dito. Alam kong minsan niyo lang ako mapansin pero ang masakit sa paraang masama niyo ako napapansin.Pinapalayo niyo ako sa mga taong naging isang bahagi ng aking buhay. Sila ang mga taong naiiyakan ko sa tuwing may problema ako,nahihingan ko ng payo, nagpapasaya sa akin at nagparamdam sa akin na may ibubuga ako sa buhay. Lagi kong nakikita na iba ang turing niyo sa akin kung ikukumpara sa aking mga nakakabatang kapatid. Dahil ba sa mas matalino sila? mas maganda? mas mabait? mas masunurin? Ano pa po bang kulang sa akin? Para pahalagahan niyo at mahalin niyo rin po. Inaamin ko po sa inyo mahal kong magulang nakipagrelasyon ako sa kabila ng inyong pagtutol pero masisi niyo ba ako na naghahanap ng pagkalinga? Sa kanila naramadaman ko ang sinasabi nilang "unconditional love". Sa  kanila ko naramdaman na kabilang ako sa kanila at sa kanila ko rin natanggap ang mga papuri na hindi ko narinig mula sa inyong mga labi. Aaminin ko rin po sa inyo na ilang beses na akong nagtangkang magpakamatay pero napapatigil ako dahil iniisip ko na unti na lang makikita niyo rin ang halaga ko. Ngunit ngayon hindi ko na alam dahil upos na upos na ako...

Martes, Agosto 18, 2015

Kulungan

Masikip,madilim,magulo,mahirap at malungkot.
              Ganyan ko mailalarawan ang kulungan na kinaroroonan ko ngayon. Napakasikip ng kulungan na ito at napakadilim. Naiiyak ako hindi dahil sa takot sa dilim kundi sa magulong kulungan na meron ako.
              Habang ako ay nakatingin sa bintana Nalungkot ako ng hindi ko malaman kung bakit. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman na mag-isa lang ako sa mundo at walang makakatulong sa akin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko walang may pakialam sa akin. Lagi na lang akong may sinusunod. Lagi na lang may komokontrol sa akin.
             Sa pananatili ko sa mundong ito walang araw na hindi ako umiiyak. Dahil kung sino pa ang mga taong inaasahan kong makakatulong sa akin upang makalaya ay sila pa ang mga taong humihila sa akin pababa.Napakasakit talagang isipin na wala akong kakampi sa mundong ibabaw. Maaaring nagtataka ang iba kung bakit ako ganito magsulat dahil hindi halata sa aking mga ngiti ang bigat na aking nararamdaman.
             Minsan ang naiisip kong paraan upang makalaya ako sa aking kulungan ay tapusin ang natitira kong oras sa mundo. Pero alam kong hindi iyon an solusyon. Alam kong kailangan kong patawarin ang mga taong nagkasala sa akin para gumaan ang aking kalooban. Ngunti paano ko iyon magagawa kung paulit-ulit lang nilang ginagawa iyon sa akin at paano ko sila mapapatawad kung ang sarili ko ay hindi ko magawang patawarin? Paano ba ako makakalaya sa aking sariling kulungan?

Miyerkules, Agosto 12, 2015

Mga estrangherong may nakaraan.

Nakilala kita nung nasa sekondarya pa ako.
Freshman ako at ikaw ay senior naging malapit tayo sa isa't-isa dahil tinuring natin ang isa't-isa bilang magkapatid.
Pero hindi ko alam kung anong nangyare at bakit naging ganto ang ating turingan.
Nakikita kita sa school pero hindi mo ako pinapansin, naalala ko rin na nung dumalaw ka sa school matapos mong makapagtapos ng sekondarya ay dinadaan-daanan mo lang ako.
Naalala ko nung naglalakad ako biglang huminto ang isang tricycle at nakita kitang tumitig sa akin. Noong una hindi kita nakilala dahil napakahaba na ng panahon nang huli tayong nagkita.
Nakita ulit kita pero sa pagkakataong ito ay nagkasalubong tayo sa kahabaan ng pureza tinitigan kita at ginawa mo rin yun pero hindi pa rin tayo nagkausap.
Minsan iniisip kong padalhan ka ng mensahe sa facebook pero alam kong hindi mo na naman ito papansinin.
Nanghihinayang ako sa mga pinagsamahan natin.
Namimiss ko ang mga tawanan at asaran natin pero pangako Kuya ako pa rin ang makulit mong bunsong kapatid,

Naudlot na pangarap

Bata pa lang ako naplano ko na ang aking tatahakin na landas.
Pero sa kasalukuyan wala pa kalingkingan ng paa ko ang natutupad.
Maraming hindi natupad sa aking plano at nagsisimula na ang mas pinagulo kong buhay.

Buong buhay ko sinusunod ko lagi ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa akin.
Kaya umasa ako na kapag may gusto akong gawin ay walang hahadlang sa akin.
Pero nagkamali ako ang buhay na pinili ko ay hindi pala nila gusto at may pinipilit silang landas na ayokong tahakin dahil hindi ko ito gusto.

Ang mga pangarap ko ngayon ay hindi ko na maabot dahil sa mga sirkumtansiya na hindi ko akalaing mangyayari.
Ilang gabi kong inayakan ang aking mga pangarap na hindi na matutuloy.
Pagkatapos ng ilang gabi ng pagtulog ay nakabangon na ako at bumuo muli ng mga pangarap.
Sana naman ay makamit ko na ito dahil napakasakit maging bigo.