Inis na inis ako sa tatay ko noong bata ako sa tuwing nanonood siya ng basketball at napipilitan kaming manood dahil ayaw niyang ilipat ang channel. Imbis na ako ay nanonood ng labanan ni Mojojo at ng power puff girls napipilitan akong manood ng basketball. Marahil masyado pa akong bata nung panahon na yun pero ngayon alam ko na kung bakit ganun kaimportante ang panonood ng basketball sa ating bayan.
Halos isang linggo na rin ang nakalilipas nang natapos ang laban ng SMART Gilas sa FIBA World Cup 2014. Nagsimula ito noong Agosto 30. Nang dahil sa sunud-sunod na pagkatalo ng Gilas laban sa Croatia, Argentina, Greece at Puerto Rico, sila na nga ay nalaglag sa pagkakapasok sana sa semis. Kaya nanghinayang ang mga Pinoy dahil 36 taon na ang lumipas nang huling nakapasok ang koponan ng Pilipinas sa Basketball World Championships at 40 na taon naman na rin ang nagdaan nang nanalo ang ‘Pinas sa championship level.
Lungkot at inis, ito ang iba pang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pagkatalo ng Gilas nagging trending topic pa nga ang #GilasPilipinas sa twitter na naglalaman ng iba’t ibang reaksyon at opinion. May nagsasabing mali ang kanilang nagging depensa ,mali ang kanilang diskarte at kung anu-ano pang pamumuna sa tropa ni Coach Chot Reyes. Binash naman ng iba si Coach Reyes na inako ang kasalanan sa pagkatalo ng koponan.
Pero sa kabilang banda umani naman sila ng samu’tsaring papuri ang kanilang natamo dahil sa hindi naman basta-basta ang larong ibinigay ng Gilas dahil pinadaan nila ang mga kalaban sa butas ng karayom bago sila manalo. Ganoon kaganda ang kanilang laro na hinangaan ng mga banyaga. Kaya ang mga Pilipino ay ipinagmalaki ang mga kababayan. Sa katunayan pa nga, may mga Argentinian fans sila na humingi pa ng jersey ng kanilang iniidolo na Gilas players .Puring-puri naman ang Gilas ng mga batikang sports analysts sa buong mundo.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa kamakailan lang, naging trending ang Gilas sa mga bansa gaya ng U.S.A. kung saan umani ng 173,467 mentions ang Gilas. Mas mataas pa kaysa sa sarili nating bansa na may 150,286 mentions. Sinundan naman ito ng mga bansang China, Singapore, Malaysia at United Arab Emirates.
I failed to give our country a win.
Ito ang sinabi ni Coach Reyes na humihingi ng tawad dahil sa kanilang pagkatalo. Ngunit nagkakamali siya dahil hindi niya tayo binigo. Natalo nga sila pero panalo pa rin sila sa karanasan dahil mabuti ng maranasan nating matalo kaysa lahat ng ating napagdaanan ay puro pag ka-panalo dahil wala tayong matututunan dito
Ngayong palapit na ang FIBA Asian Games isa sa pinakamatunog at pinakaaabangan ang Gilas Pilipinas. Talaga nga naman ang Pilipinas na ang “ The Next Big Thing” Patunay lang ito na sa Gilas tuloy pa rin ang laban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento