Martes, Agosto 18, 2015

Kulungan

Masikip,madilim,magulo,mahirap at malungkot.
              Ganyan ko mailalarawan ang kulungan na kinaroroonan ko ngayon. Napakasikip ng kulungan na ito at napakadilim. Naiiyak ako hindi dahil sa takot sa dilim kundi sa magulong kulungan na meron ako.
              Habang ako ay nakatingin sa bintana Nalungkot ako ng hindi ko malaman kung bakit. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman na mag-isa lang ako sa mundo at walang makakatulong sa akin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko walang may pakialam sa akin. Lagi na lang akong may sinusunod. Lagi na lang may komokontrol sa akin.
             Sa pananatili ko sa mundong ito walang araw na hindi ako umiiyak. Dahil kung sino pa ang mga taong inaasahan kong makakatulong sa akin upang makalaya ay sila pa ang mga taong humihila sa akin pababa.Napakasakit talagang isipin na wala akong kakampi sa mundong ibabaw. Maaaring nagtataka ang iba kung bakit ako ganito magsulat dahil hindi halata sa aking mga ngiti ang bigat na aking nararamdaman.
             Minsan ang naiisip kong paraan upang makalaya ako sa aking kulungan ay tapusin ang natitira kong oras sa mundo. Pero alam kong hindi iyon an solusyon. Alam kong kailangan kong patawarin ang mga taong nagkasala sa akin para gumaan ang aking kalooban. Ngunti paano ko iyon magagawa kung paulit-ulit lang nilang ginagawa iyon sa akin at paano ko sila mapapatawad kung ang sarili ko ay hindi ko magawang patawarin? Paano ba ako makakalaya sa aking sariling kulungan?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento