Filipino.
Isa itong asignaturang tumatalakay sa pag-gamit ng wikang Pilipino sa tamang paraan. Ang kahalagahan ng asignaturang Filipino ay makakatulong upang mas maging malawak ang ating kaalaman sa pagsusulat at pagbabasa. Ang wika ang sumasalamin ng kaluluwa ng bansa kaya pinag-aaralan ito sa elematarya,sekondarya at tersiyarya. Pinag-aaralan ang Filipino Dahil sa nag-iiba-iba ang salitang katutubo ng mga Pilipino, mahalagang pag-aralan ang wikang pambansa, ang Pilipino o Filipino.
Ngunit nag-isyu ang CHED ng Memorandum Order 20 noong nakaraang taon para alisin ang asignaturang Filipino na pinag-aaralan mula Batanes hanggang Jolo . Sa kadahilanang isinusulong na programa ng K-12 nabago ang sitema at curriculum sa halos lahat ng paaralan sa bansa. Pinapatanggal nila ito dahil ililipat sa Grade 11 at 12 ang asignatura na orihinal na tinuturo sa kolehiyo. Ayon sa kanila ang pag-aaral ng Filipino ng labing dalawang taon sa elementarya at sekondarya ay sapat na kaya hindi na dapat itong pag-aralan sa unang dalawang taon sa kolehiyo lalo na sa mga kursong hindi naman kaugnay dito.
Hindi problema ang pag-aaral ng banyagang wika gaya ng Mandarin, French, Japanese atbp Ngunit bago mahumaling sa ibang wika bakit hindi muna ayusin ang baluktot mong pagsasalita ng iyong sariling wika.. Tayo ay pinanganak sa Pilipinas ngunit hindi yun sapat na rason upang sabihin magaling na tayo sa pagsasalita ng Filipino dahil marami tayong kakaining bigas para masabihang magaling. Bakit hindi pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng edukasyon at hindi ang pag-aalis ng asignaturang Filipino para tayo ay hindi magkumpisal kay G
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento