Mahal kong mga magulang,
Bata pa lang ako sinusunod ko na po kayo. Ginagawa ko ang lahat upang maabot ang mga inaasahan niyong maging ako. Kahit nahihirapan na ako pinagpapatuloy ko pa rin ito dahil akala ko ay pupurihin niyo rin ako gaya ng pagpuri niyo sa aking mga nakakabatang kapatid. Patawad po sa mga kasalanan na aking nagawa pero nagawa ko lamang po yun dahil sa galit sa puso ko na matagal ko nang kinikimkim. Ma, pa napapagod rin po ako dahil tao rin ako. Hindi ko naman sinusumbat na kapag galing ako sa paaralan ko na napakalayo ay agad-agad niyo akong inuutusan.Minsan nga po'y naapektuhan ang aking pag-aaral dahil sa utos niyo.Pero okay lang sa inyo dahil iba naman ang mas pinapahalagahan niyo. Minsan hindi ko na nagagawa ang mga bagay na nagpapasaya dahil sa mga pinapagawa niyo.Hindi niyo po alam kung gaano kahalaga sa akin yun dahil yun na lang ang pinagkukunan ko ng lakas upang manatili pa dito. Alam kong minsan niyo lang ako mapansin pero ang masakit sa paraang masama niyo ako napapansin.Pinapalayo niyo ako sa mga taong naging isang bahagi ng aking buhay. Sila ang mga taong naiiyakan ko sa tuwing may problema ako,nahihingan ko ng payo, nagpapasaya sa akin at nagparamdam sa akin na may ibubuga ako sa buhay. Lagi kong nakikita na iba ang turing niyo sa akin kung ikukumpara sa aking mga nakakabatang kapatid. Dahil ba sa mas matalino sila? mas maganda? mas mabait? mas masunurin? Ano pa po bang kulang sa akin? Para pahalagahan niyo at mahalin niyo rin po. Inaamin ko po sa inyo mahal kong magulang nakipagrelasyon ako sa kabila ng inyong pagtutol pero masisi niyo ba ako na naghahanap ng pagkalinga? Sa kanila naramadaman ko ang sinasabi nilang "unconditional love". Sa kanila ko naramdaman na kabilang ako sa kanila at sa kanila ko rin natanggap ang mga papuri na hindi ko narinig mula sa inyong mga labi. Aaminin ko rin po sa inyo na ilang beses na akong nagtangkang magpakamatay pero napapatigil ako dahil iniisip ko na unti na lang makikita niyo rin ang halaga ko. Ngunit ngayon hindi ko na alam dahil upos na upos na ako...
Martes, Agosto 25, 2015
Martes, Agosto 18, 2015
Kulungan
Masikip,madilim,magulo,mahirap at malungkot.
Ganyan ko mailalarawan ang kulungan na kinaroroonan ko ngayon. Napakasikip ng kulungan na ito at napakadilim. Naiiyak ako hindi dahil sa takot sa dilim kundi sa magulong kulungan na meron ako.
Habang ako ay nakatingin sa bintana Nalungkot ako ng hindi ko malaman kung bakit. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman na mag-isa lang ako sa mundo at walang makakatulong sa akin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko walang may pakialam sa akin. Lagi na lang akong may sinusunod. Lagi na lang may komokontrol sa akin.
Sa pananatili ko sa mundong ito walang araw na hindi ako umiiyak. Dahil kung sino pa ang mga taong inaasahan kong makakatulong sa akin upang makalaya ay sila pa ang mga taong humihila sa akin pababa.Napakasakit talagang isipin na wala akong kakampi sa mundong ibabaw. Maaaring nagtataka ang iba kung bakit ako ganito magsulat dahil hindi halata sa aking mga ngiti ang bigat na aking nararamdaman.
Minsan ang naiisip kong paraan upang makalaya ako sa aking kulungan ay tapusin ang natitira kong oras sa mundo. Pero alam kong hindi iyon an solusyon. Alam kong kailangan kong patawarin ang mga taong nagkasala sa akin para gumaan ang aking kalooban. Ngunti paano ko iyon magagawa kung paulit-ulit lang nilang ginagawa iyon sa akin at paano ko sila mapapatawad kung ang sarili ko ay hindi ko magawang patawarin? Paano ba ako makakalaya sa aking sariling kulungan?

Miyerkules, Agosto 12, 2015
Mga estrangherong may nakaraan.
Nakilala kita nung nasa sekondarya pa ako.
Freshman ako at ikaw ay senior naging malapit tayo sa isa't-isa dahil tinuring natin ang isa't-isa bilang magkapatid.
Pero hindi ko alam kung anong nangyare at bakit naging ganto ang ating turingan.
Nakikita kita sa school pero hindi mo ako pinapansin, naalala ko rin na nung dumalaw ka sa school matapos mong makapagtapos ng sekondarya ay dinadaan-daanan mo lang ako.
Naalala ko nung naglalakad ako biglang huminto ang isang tricycle at nakita kitang tumitig sa akin. Noong una hindi kita nakilala dahil napakahaba na ng panahon nang huli tayong nagkita.
Nakita ulit kita pero sa pagkakataong ito ay nagkasalubong tayo sa kahabaan ng pureza tinitigan kita at ginawa mo rin yun pero hindi pa rin tayo nagkausap.
Minsan iniisip kong padalhan ka ng mensahe sa facebook pero alam kong hindi mo na naman ito papansinin.
Nanghihinayang ako sa mga pinagsamahan natin.
Namimiss ko ang mga tawanan at asaran natin pero pangako Kuya ako pa rin ang makulit mong bunsong kapatid,
Naudlot na pangarap
Bata pa lang ako naplano ko na ang aking tatahakin na landas.
Pero sa kasalukuyan wala pa kalingkingan ng paa ko ang natutupad.
Maraming hindi natupad sa aking plano at nagsisimula na ang mas pinagulo kong buhay.
Buong buhay ko sinusunod ko lagi ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa akin.
Kaya umasa ako na kapag may gusto akong gawin ay walang hahadlang sa akin.
Pero nagkamali ako ang buhay na pinili ko ay hindi pala nila gusto at may pinipilit silang landas na ayokong tahakin dahil hindi ko ito gusto.
Ang mga pangarap ko ngayon ay hindi ko na maabot dahil sa mga sirkumtansiya na hindi ko akalaing mangyayari.
Ilang gabi kong inayakan ang aking mga pangarap na hindi na matutuloy.
Pagkatapos ng ilang gabi ng pagtulog ay nakabangon na ako at bumuo muli ng mga pangarap.
Sana naman ay makamit ko na ito dahil napakasakit maging bigo.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)